--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 417 ang mga COVID-19 positive sa region 2 matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) regon 2 ng bagong 20 positibo.

Una si CV398  na 55 anyos na lalaki mula Lunsod ng ilagan at Locally Strandd Individual (LSI) na galing sa Munioz, Nueva Ecija at nakaranas ng ubo at sipon.

Ikalawa si CV399, 55 anyos na babae na mula sa Lunsod ng Ilagan at nakasalamuha si CV398.

Ikatlo si CV400, 17 anyos na lalaki mula Lunsod ng Ilagan, nakasalamuha si CV398 at nakaranas ng ubo at sipon.

--Ads--

Ikaapat si CV401, 26 anyos na lalaki na mula sa Lunsod ng ilagan, nakasalamuha si CV398 at nakaranas ng ubo at sipon.

Ikalima si CV402, 25 anyos na lalaki mula sa Cabagan, Isabela at LSI na galing sa Pasay City.

Ikaanim si CV403, 25 anyos na babae mula sa Tuao, Cagayan, galing sa Saudi Arabia at nakaranas ng pananakit ng lalamunan.

Ikapito si CV404, 26 anyos na lalaki mula sa Enrile, Cagayan at galing sa Sampaloc, Manila.

Ikawalo si CV405, 30 anyos na babae, nakasalamuha sina CV395 at CV277 mula sa Ramon, Isabela at nakaranas ng ubo at pananakit ng lalamunan.

Ikasiyam si CV406, 35 anyos na babae at nakasalamuha sina CV395, CV277 at CV381.

Ikasampu si CV407, 27 anyos na babae mula sa Gamu, Isabela, nakasalamuha sina CV311 at CV307 at nakaranas ng ubo at pananakit ng lalamunan.

Ikalabing-isa si CV408, 36 anyos na lalaki mula sa Peniablanca, Cagaya, galing sa Saudi Arabia at nakaranas ng ubo at sipon.

Ikalabindalawa si CV409, 19 anyos na lalaki mula sa Gamu, Isabela at nakasalamuha sina CV311 at CV307.

Ikalabintatlo si CV410, 30 anyos na lalaki mula sa Gonzaga, Cagayan at isang health worker sa Tuguegarao City.

Ikalabing-apat si CV411, 44 anyos na babae mula sa Cabagan, Isabela at LSI na galing sa Novaliches, Quezon City.

Ikalabinlima si CV412, 69 anyos na mula sa Sanchez Mira, Cagayan, walang kasaysayan ng paglalakbay at nakaranas ng ubo.

Ikalabing-anim si CV413, 25 anyos na lalaki mula Rizal, Cagayan at galing sa Canada.

Ikalabimpito  si CV414, 45 anyos na lalaki mula sa Solana, Cagayan, galing sa Camp Aguinaldo sa Quezon City at nakaranas ng ubo.

Ikalabingwalo si CV415, 45 anyos na babae mula sa Solana, Cagayan, nakasalamuha si CV414 at nakaranas ng ubo.

Ikalabingsiyam si CV416, 24 anyos na lalaki mula sa Lal-lo, Cagayan at LSI na galing sa Taguig City.

Ikadalawampu si CV417, 57 anyos na lalaki mula Santiago City, galing sa Maynila at nakaranas ng ubo.

Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng bagong 20 na COVID-19 positive sa region 2.