--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng raid ang NBI at mga kawani ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO 2 sa bahay kalakal na pag-aari ng ilang kilalang personalidad sa Lunsod ng Ilagan at Tumauini na gumagamit ng jumper at iba pang device sa pagnanakaw ng konsumo ng koryente.

Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan, sinabi ni NBI Provincial Director Tim Rejano na isa sa mga ni-raid ng NBI-ISELCO team ay isang resort sa Lunsod ng Ilagan na nakarehistro sa isang kay Barangay Kapitan.

Nasamsam sa resort ang isang inverted polarity with separate grounding.

Sinabi ni Rajano na nadakip din sa nasabing operasyon isang kasapi ng BFP, dating manager ng ISELCO 2 at isang sheriff.

--Ads--

Mayroon nang 20 katao ang nahuling nagnanakaw ng koryente sa nasasakupan ng ISELCO 2 .

Ito ay bunga ng mga sumbong na ibinibigay ng mga tao.