
CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit dalawampong tao ang nadakip ng mga kasapi ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa magkakahiwalay na operasyon sa kanilang Anti Criminality Campaign.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa IPPO, umabot sa dalawampu’t anim na tao ang nadakip sa lalawigan na may iba’t ibang paglabag sa batas.
Kabilang na rito ang labing-isang tao na dinakip sa bisa ng mandamiento de aresto na ipnalabas ng hukuman dahil sa nakabinbin nilang kaso at labing isa rin ang inaresto na kabilang sa Other Wanted Person List ng mga otoridad.
Isa naman ang nasamsaman ng mga iligal na pinutol na kahoy at nakumpiska ang 240 na board feet ng kahoy na nagkakahalaga ng labindalawang libong piso.
Tatlo naman ang nahuli sa isinagawa na dalawang Anti-Illegal Drug Buybust operation at nasa tatlong libong piso ang halaga ng Droga na nasamsam ng pulisya.
Patuloy ang paghimok ng IPPO sa publiko na makipagtulungan sa mga kapulisan para mahuli na ang mga taong may kinakasangkutang krimen.










