--Ads--

Pinawalang-sala ng korte sa Maynila ang mahigit 20 pulis na kinasuhan dahil sa umano’y pagtatanim ng ebidensya kaugnay ng kaso ng iligal na droga noong 2022.

Batay sa desisyon ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 175, hindi napatunayan na ang mga akusado ay nagsagawa ng “tanim-ebidensya.”

Dahil dito, iniutos ang kanilang agarang paglaya mula sa kustodiya ng PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Kasama rin sa pinababayang palayain ang dating pulis na si dismissed PMSG Rodolfo Mayo Jr., mula sa Metro Manila District Jail sa Taguig City, maliban kung may iba pa siyang kasong kinahaharap.

--Ads--

Si Mayo, na dati’y nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group (PNP DEG), ay naaresto noong 2022 sa operasyon kung saan nakumpiska ang tinatayang 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6.7 bilyon. Dagdag pa rito, nakuha rin mula sa kanya ang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱13.6 milyon.