--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw sa Isabela ang 20 panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, tig-lilima sa mga bagong kaso ang mula sa San Agustin at lunsod ng Santiago, tig-dadalawa sa San Manuel at San Mateo habang tig-iisa sa Alicia, Aurora, Cabagan, Cabatuan, lunsod ng Cauayan at San Pablo.

Dalawampu’t anim naman ang naitalang recoveries dahilan para bumaba sa tatlong daan siyamnapu’t dalawa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Siyam ang locally stranded individuals, dalawampu’t apat ang Health Workers, labimpito ang pulis at 342 ang mula sa local transmission.

--Ads--

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.