CAUAYAN CITY- Dinagsa ng maraming aplikante ang isinagawang jobs fair sa isang mall sa Santiago City kasunod ng pagdiriwang ng labor day ngayong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Information Officer Reginald Estioco ng DOLE region 2 may mahigit t 300 aplikante na ang nag-apply ng trabaho na binubuo ng 202 na kababaihan habang 119 na kalalakihan.
Aniya puntirya nila ang 20 percent na on the spot hiring sa mga aplikante.
Nauna rito nanawagan si G. Estioco ang mga naghahanap at nais magtrabaho na samantalahin ang Jobs Fair para magkaroon ng trabaho.
Ang Jobs Fair ay dinaluhan ng 15 lokal na kompaniya na nag-o-offer ng 1,459 na trabaho habang 975 na trabaho sa abroad naman ang ino-offer sa mga nasa magtrabaho sa labas ng bansa.
Ang jobs fair ay suportado ng Department of Labor and Emploment ( DOLE ) Public Employment Service Office ( PESO) at Lokal na pamahalaan ng Santiago City.
Ayon naman sa mga employer, determinasyon at sipag ang pangunahing tinitignan sa pagkuha o pag-hire ng mga aplikante.
Samantala, mayroon ding isinagawang trade fair sa Balay na Santiago upang ipakita ang mga pangunahing ipinagmamalaking produkto ng Santiago City.




