--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumuko ang dalawampung kasapi ng Militia ng bayan sa Asipulo, Ifugao.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo cauayan, sinabi ni Army Capt. Jefferson Somera, hepe ng Division Public Affairs office ng 5th Infantry Division Philippine Army na ang mga nagbalik-loob ay mula sa liblib na barangay ng Naman, Asipulo sa tulong ng mga lokal na opisyal at tropa ng militar na nasa lugar.

Ipinaliwanag nila sa mga kasapi ng Militia ng Bayan ang mga programa ng pamahalaan sa kanilang Community Support program kaya nahikayat silang sumuko.

Sinabi ni Capt Somera na natutuwa sila na dumami ang mga sumusuko sa Ifugao tulad sa lalawigan ng Cagayan.

--Ads--

Ayon kay Capt somera, nakapaloob sa Executive Order number 10 ibibigay agad ang immediate assistance at reintegration assistance sa mga sumusukong tagasuporta ng mga npa. Magkakaroon sila ng dagdag na kapakinabangan kapag nagsuko sila ng baril.

Mas marami aniya ang tulong na makukuha ng mga regular na kasapi ng NPA na susuko sa pamahalaan.