--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit dalawang daang kabataan ang na-screen para sa official candidate course na isinagawa sa Camp Melchor F. Dela Cruz – Annex sa Soyung, Echague, Isabela noong ikaapat at ikalima ng Enero.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Maj. Rigor Pamittan, chief ng Division Public Affairs Office o DPAO ng 5th Infantry Division na bahagi ito ng recruitment process ng Philippine Army at nagpadala sila ng recruitment team na sasala sa mga candidate ng pagiging commissioned officer.

Pinangunahan ito ng army personnel ng management center.

Umabit sa dalawang daan at labing siyam na kabataan ang na-screen at magtitake ng official candidate course na gaganapin sa Capaz, Tarlac.

--Ads--

Hinikayat ni Maj. Pamittan ang mga kabataan na nais maging commissioned officer ng Philippine Army na mag-abang lamang sa mga isasagawang recruitment.

Aniya, sa mga gustong maging commissioned officer na magtitake ng official candidate course ay dapat Bachelor degree holder, single at walang legal obligation, at least 5 feet ang height, physicaly fit at walang kinakaharap na kaso.

Sa mga senior high school graduate naman ay candidate soldier course ang kanilang makukuhang kurso bilang non-commissioned officer, single at walang legal obligation, physicaly and mentally fit, walang kasong kinakaharap at handang sumailalim sa training.