--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng sorpresang random drug test ang mga kasapi ng Ramon Police Station sa mga tokhang responders .

Humigit kumulang 200 tokhang responders ang sumailalim sa random drug test.

Ito ay bahagi ng launching ng programa ng PNP Ramon na Community Base Rehabilitation Program.

Hiniling ng mga tagapagsalita sa nasabing programa sa mga tokhang responders na seryosohin ang community base rehabilitation Program at iwanan na ang droga at magbagong buhay .

--Ads--

Inihayag ni Father Sergio Cauaga, isa sa mga tagapagsalita na kung tuluyang magbagong buhay ang mga tokhang responders ay tiyak na magiging maganda ang kanilang buhay at gagabayan din sila ng poong maykapal.

Anya kung desidido ang isang tao na magbago ay magagawa nito.

Lahat ng tao ay nagkakamali ngunit kinakailangang itama, magbagong buhay at huwag mawalan ng pag-asa.