--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakumiska ng mga otoridad ang umaabot sa 2,000 board feet ng illegal na pinutol na kahoy sa may Abuan River sa Cabisera 10, City of Ilagan.

Unang nakatanggap ang City of Ilagan Police Station ng impormasyon hinggil sa nagaganap na water logging sa may Abuan River kaya nagsagawa sila ng operasyon kasama ang Provincial Task Force on Environment.

Ang isinagawa nilang operasyon ay nagbunga ng pagkasamsam ng umaabot sa 2,000 board feet ng illegal na pinutol na narra at softwood.

Nadakip din ang dalawang suspek na nasa lugar habang  nakatakbo palayo ang ilang nilang kasama.

--Ads--

Isinakay ng mga operatiba ang mga nilagareng kahoy sa isang forward truck at dinala sa himpilan ng pulisya sa Lunsod ng Ilagan.