--Ads--

CAUAYAN CITY – Dumating na sa Land Transportation Office o LTO Cauayan City ang dalawang libong plastic cards para sa driver’s license.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni TRANSPORTATION REGULATION OFFICER II BONG PAVON ng LTO Cauayan City na dumating noong ikasampo ng Oktubre ang naturang mga drivers license card.

Prayoridad naman nila ngayon ang mga Overseas Filipino Workers o OFW, ang mga walk in at ang kanilang backlog.

Kapag puno na aniya sa isang araw ay pinababalik na lang nila dahil sa isang araw ay nasa isang daan hanggang isang daan limampo lang ang kanilang napiprint para hindi agad masira ang kanilang machine.

--Ads--

Ayon kay PAVON, hindi pwedeng ipakuha sa kamag-anak ang drivers license kung hindi available sa araw na itinakda para sa pagkuha dahil kailangang magbiometrics ang kukuha.

Bukod dito ay hindi rin pwede ang authorization.

Sa mga OFWs naman, kung nasa ibang bansa na ang kailangan nila ay authorization at ang passport nila na may tatak kung nasaang bansa sila.

Sinabi pa ni PAVON na hanggang ikapito ng Oktubre ay nasa 9,422 ang kanilang backlog.

Muli naman silang humihingi ng pasensya at tiniyak na mabibigyan din sila lahat dahil may mga dumarating ng drivers license card sa kanilang tanggapan.