--Ads--

Magpapadala ang Pentagon ng humigit-kumulang 2,000 sundalo mula sa 82nd Airborne Division patungong Middle East habang isinusulong ng Estados Unidos ang 15-point plan para wakasan ang digmaan sa Iran.

Layunin nitong palawakin ang opsyong militar ni Pangulong Donald Trump kasabay ng diplomatikong hakbang, bagaman hindi pa tiyak kung tatanggapin ito ng Iran at kung sang-ayon ang Israel.

Sa kabila ng pahayag ni Trump na may nagaganap na negosasyon, iginiit ng Iran na wala itong kinikilalang usapan. Patuloy rin ang tensyon sa rehiyon matapos magpalitan ng pag-atake ang magkabilang panig, kabilang ang missile strikes ng Iran sa Israel na nagdulot ng pinsala at mga nasawi.