--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumampa na sa mahigit dalawandaang libong katao ang naapektuhan sa pananalasa ng Super Typhoon Leon sa Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mia Carbonel ang Public Information Officer ng Office of Civil Defense Region 2 sinabi niya na batay sa latest reports mula sa DSWD Region 2 sumampa na sa 74,158 na pamilya o katumbas ng 236,632 na indibidwal ang apektado ng Super Typhoon Leon sa buong Region 2.

Aniya sa ngayon ay sarado na ang lahat ng evacuation centers na pansamantalang tinuluyan ng mga evacuaees at sa kasalukuyan isang pamilya na lamang sa Batanes ang hindi pa nakakabalik sa kanilang bahay.

Kasalukyan naman ang validation para sa kabuuang pinsala sa imprastraktura kabilang ang Labindalawang totally damaged na bahay habang 197 ang partially damaged kung saan karamihan dito ay mula sa Lalawigan ng Batanes.

--Ads--

Malaking pasasalamat naman ng Office of Civil Defense na walang naitalang anumang casualty sa pananalasa ng Super Typhoon Leon dahil sa matinding paghahandang ginawa ng bawat LGU para manatiling ligtas ang kanilang nasasakupan maliban na lamang sa isang naitalang nasawi sa pagkalunod sa bahagi ng Cagayan noong kasagsagan ng pagbaha dulot ng Bagyong Kristine.

Samanatala, sa ngayon ay hindi pa rin operational ang aricraft na  may dalang mga releif goods matapos na natanggalan ng gulong sa runway ng Batanes Ariport.