--Ads--

CAUAYAN CITY – Nawagan ng dasal si 2017 Miss Tourism Phillpines Candidate Diane Mariel Bareng sa kanyang mga kalalawigan sa Quirino ng dasal upang manalo sa nasabing patimpalak pagandahan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni 2017 Miss Tourism Phillpines Candidate Diane Mariel Bareng na isasagawa ngayong gabi ang Swimsuit Competition sa Magsingal, Ilocos Sur.

Bago ang finals ng kompetisyon ay magkakaroon pa ng Festival Costume kung saan kukunin ang special award.

Nakuha niya ang People’s Choice award sa kanilang Gown Competition na isinagawa sa Batangas.

--Ads--

Ayon kay Bb. Bareng, ito ang unang pagsabak niya sa international pageant matapos manalo bilang Miss Quirino noong 2015 at tumigil siya pansamantala sa pagsali sa mga patimpalak pagandahan dahil pinagtuunan niya ng pansin ang pag-aaral.

Nais niyang sumabak sa Bb. Pilipinas ngunit tatapusin muna niya ang kursong Bachelor of Science in Accountancy kung saan nasa huling taon na siya ng nasabing kurso..

Nanawagan siya ng suporta sa mga mamamayan lalo na ang mga taga Quirino Province na suportahan siya sa 2017 Miss Tourism Phillpines.