--Ads--

Bukas na muli ngayong taong 2026 ang isinasagawang annual reporting na taunang isinasagawa ng Bureau of Immigration para sa mga banyaga at turista hanggang Marso 1, 2026.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Alien Control Officer Larry Tumaliuan ng Bureau of Immigration-Isabela, sinabi niyang bahagi na ito ng taunan nilang ginagawa kung saan lahat ng mga banyaga na nasa bansa ay kailangang magreport sa opisina at magbayad ng kaukulang halaga para sa kanilang pananatili dito.

Aniya, base sa kanilang monitoring araw-araw na nagkakaroon ng kliyente ang opisina lalo na ang mga dayuhan na naninirahan sa bansa o kaya ay turista.

Giit ng Allien Control Officer, mahalaga na magkaroon ng reporting ang mga ito nang sa ganoon ay mamonitor ng kanilang hanay kung nananatili pa sila sa bansa.

--Ads--

Magtatagal hanggang March 1 ang annual reporting sa lahat ng mga turista at dayuhan. Maari silang magtungo sa malapit na Bureau of Immigration Office sa kanilang lugar.

Nanawagan naman ito sa mga mamamayan na may-asawang banyaga na kung maari ay sila na ang magkusa na pumunta sa opisina kasama ang kanilang asawa para sa annual reporting. Sakali kasi na lagpas na sa Marso at hindi nakapagreport ang mga ito ay may kaukulang multa na ipapataw ang opisina na hindi tataas sa limang pisong daan kada buwan.