--Ads--

Isinagawa ng Department of Science and Technology – Provincial Science and Technology Office (DOST–PSTO) Isabela ang 2026 North Luzon Cluster Call Conference sa Isabela Convention Center (ICON) sa Cauayan City kahapon, Enero 15.

‎Sa Panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Engr. Rosario Danga, Provincial Director ng DOST–PSTO Isabela, layunin ng aktibidad na talakayin at itakda ang regional research and development priority areas at ibahagi sa mga kalahok ang iba’t ibang programa at pondo ng research councils ng DOST.

‎Dinaluhan ang call conference ng mga opisyal, mananaliksik, at stakeholder mula sa iba’t ibang State Universities and Colleges (SUCs) at Higher Education Institutions (HEIs) sa North Luzon, na binubuo ng Regions I, II, III, IV at Cordillera Administrative Region (CAR). Lumahok din ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang government agencies at private institutions kabilang ang Department of Agriculture.

‎Ipinaliwanag ni Danga na maaaring magsumite ng research proposals ang mga proponent sa iba’t ibang priority areas tulad ng agriculture at aquatic resources sa ilalim ng PCAARRD, gayundin sa industry, energy, at emerging technologies sa pamamagitan ng iba pang research councils ng DOST.

‎Binigyang-diin niya na mahalaga ang mga panukalang pananaliksik upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya, kaya’t naroon ang iba’t ibang DOST funding agencies upang gabayan ang mga nais magsumite ng proyekto.

‎Bukas ang pagsusumite ng concept proposals sa pamamagitan ng online Project Management Information System (PMIS) mula March 1 hanggang March 15.