--Ads--

ILAGAN CITY – Hinimok ng 202nd Ready Reserved Infantry Battalion Isabela ang publiko na makiisa sa kanilang gaganaping Nationwide Simultaneous Mastering ngayong Sabado.

Ayon sa ilang Reservist Official aabot sa tatlong Quarters ang ilalatag sa Lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Major John Phillip Rivera, Operations Officer ng Philippine Army Reservist sa ilalim ng 202nd Ready Reserved Infantry Battalion sinabi niya na gaganapin ang assembling of Troups o mastering ng mga Reservist sa buong bansa at natukoy na ilang Lugar na pagdarausan ay dito sa Lalawigan.

Magaganap ito sa Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Old Tumauini Gymnasium, Mallig Plains College at Student Barracks ng 502nd Infantry Brigade ng 5ID.

--Ads--

Inaasahang dadaluhan ito ng mga nagtapos ng ROTC at mga nais pumasok bilang reservist.

Ayon kay Major Rivera, isang prebilehiyo ang mapabilang sa Ready Reserved Force pangunahing na ang pagsisilbi sa bayan ng walang hinihinging kapalit.

Hindi aniya nito makakalimutan ang pagtulong ng kanilang grupo tuwing may mga kalamidad na sumalanta sa lalawigan.

Hinimok nito ang publiko pangunahin na ang mga nagtapos ng ROTC na makilahok sa nasabing programa upang mabigyan ng pagkakataong makapagsilbi sa bayan at maging kasapi ng Reserved Troup.