--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit 20 barangay sa lunsod ng Santiago ang naideklarang drug cleared.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.Col. Edgar Pattaui, Chief ng Police Communication Affairs and Development Unit ng Santiago City Police Office (SCPO), ibinahagi nito na 21 barangay na sa lunsod ang naideklarang drug cleared.

Maliban pa rito ang naisinumite kamakailan lamang sa CADAC oversight committee ng SCPO na maari na ring maideklarang drug cleared.

Kinabibilangan ito ng mga barangay ng Naggasican, Centro East, Victory Norte at Victory Sur.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa 16 pang barangay sa lunsod ng Santiago ang sinisikap nilang maideklarang drug cleared.

Sa ngayon ay puspusan ang pagtarabaho nila para matunton ang mga maaring sangkot sa naturang iligal na gawain.

Patuloy din ang pagbibigay nila ng impormasyon sa mga mamamayan ukol sa hindi mabuting dulot ng iligal na droga sa buhay ng tao.

Hinimok din niya ang mga mamamayan na makiisa sa kanilang kampanya at huwag mag-atubling isumbong ang mga maaring nasasangkot sa iligal na droga.

Hinimok din niya ang mga nasasangkot sa ganitong gawain na lubayan na ang nasabing bisyo at sumuko na lamang sa mga awtoridad.

Tinig ni PLt.Col. Edgar Pattaui.