--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawamput dalawang pasahero ng isang Dalin Liner Bus na tumagilid matapos bumangga sa isang pader sa gilid ng national highway sa San Juan, Lunsod ng Ilagan.

Dinala ang mga nasugatang pasahero sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital sa Lunsod ng Ilagan para malapatan ng lunas.

Binabagtas ng Dalin Liner bus na minamaneho ni Ariel Canceran, 45 anyos, residente ng Bangad, Sta. Maria, Isabela ang national highway patungong south direction nang mawalan ng kontrol matapos iwasan ang isang tricycle na umagaw ng linya.

Bumangga ang bus sa kongkretong bakod ng IRM Evangelical Church sa San Juan, Lunsod ng Ilagan bago ito tumagilid na ikinasugat ng dalawamput dalawang pasahero.

--Ads--

Sa mga nasugatan ay si Ivy Rodriguez ng Bliss Village, Lunsod ng Ilagan ang nanatili sa ospital habang nakalabas matapos ang ilang oras ang marami sa mga nasugatan.

Sinasabing mabilis ang takbo ng bus sa kabila na madulas ang daan dahil sa katatapos ang malakas na ulan nang mangyari ang aksidente.