--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang 23 anyos na Pinay ang nasa isolation room at under investigation ngayon sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC matapos makitaan ng sintomas ng novel corona virus.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Chief of Hospital ng CVMC, sinabi niya na may dinala noong martes sa kanilang isolation room na isang pasyente na galing sa China.

Aniya, taga-Cagayan ang Pinay at galing sa China noong ikatlong linggo ng Enero.

Nakitaan siya ng sintomas ng katulad ng novel Corona virus at dahil nagkataon na siya ay galing sa China kaya siya ay person under investigation sa ngayon.

--Ads--

Hindi naman kinumpirma ni Dr. Baggao kung nCoV ang sakit ng babae pero siya ay nakaquarantine ngayon.

Tinig nI Dr. Glen Matthew Baggao chief of Hospital-CVMV

Batay naman umano sa mga doktor nito ay wala silang nakikitang pagbabago sa pasyente.