--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 2,300 na non-certified o hindi dumaan sa quality checking na mga produkto ang nakumpiska ng DTI Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OIC Chief Elmer Agorto ng Consumer Protection Division ng DTI Isabela sinabi niya mahigpit nilang binabantayan ang pagbebenta ng mga produktong mayroong mandatory certification upang matiyak na ang mga negosyante ay nagbebenta ng ligtas at de kalidad na produkto.

Sa kanilang pag iiikot sa mga establisimiento sa lalawigan ay may mga nakita silang mga negosyanteng nagbebenta ng mga noncertified products kaya sila ay naissue-han ng notices.

Aniya nasa 2,366 na produkto ang nakumpiska ng ahensya sa apat na establisimientong kanilang namonitor at umabot naman sa 164,650 pesos ang estimated market value nito.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Agorto walang mga valid import commodity clearance, sticker, at Philippine Standard Quality Marks ang mga nakumpiskang produkto na lumalabag sa Department Administrative Order no. 2 maging sa implementing rules and regulations ng RA. 4109 o ang Product Standards Law.

Aniya naging lenient o maluwag ang tanggapan sa mga nasabing noncertified products noong 2020 dahil sa pandemic.

Karamihan sa mga nakumpiska ay mga electrical at electronic products tulad ng mga wires, extension cords, light bulbs at mga electrical home appliances.

Nabigyan ng sanction at cease and desist order ang mga negosyanteng nahulian ng mga ng mga noncertified products para hindi na nila ulitin pa ang pagbebenta nito.

Umabot naman sa 125,000 pesos ang nakolekta ng DTI na multa sa mga nasabing establisimiento.

Muli namang nagpaalala ang DTI sa mga mamimili na huwag tangkilikin ang mga produktong walang mga valid import commodity clearance, sticker, at Philippine Standard Quality Marks dahil hindi tiyak ang kaligtasan sa paggamit ng mga ito dahil hindi dumaan sa quality checking.

Ang bahagi ng pahayag ni OIC Chief Elmer Agorto ng Consumer Protection Division ng DTI Isabela.