--Ads--
CAUAYAN CITY- Simula ngayong gabi ay 24 oras na magtratrabaho ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) region 2 upang magmonitor sa mga lugar na maaepektuhan ng bagyong Rosita.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Chester Trinidad, Public Information Officer ng DSWD region 2 na mayroon nang 10,599 family food packs ang naka-preposition sa iba’t ibang Local Government Units sa buong rehiyon.
Mayroon ding mahigit 34,000 family food packs na naka-standy sakaling humingi pa ang ibang mga lalawigan.
Ayon pa kay G. Trinidad, wala pa namang naipaparating na suliranin sa kanilang tanggapan kaugnay ng paghahanda sa bagyong Rosita.
--Ads--