CAUAYAN CITY – Naaresto ang dalawang suspek sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad sa San Fermin, Cauayan City dahil sa pagbebenta ng mga smuggled na sigarilyo.
Ang mga nadakip ay sina Rafaelito Ercilla, may asawa, 32 anyos, vendor at residente ng Marabulig II, Cauayan City, Isabela at Ranniel Ganoni, 32 anyos at vendor.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng (Criminal Investgation and detection Group (CIDG) Santiago Field Unit, CIDG region field unit 2, Cauayan City Police Station at Bureau of Internal reveune (BIR) region 3 ang entrapment operation na nagbunga ng pagka-aresto ng dalawang suspek na nagbebenta ng peke at smuggled na sigarilyo.
Aabot sa 200 rim ng iba’t ibang uri ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng mga otoridad sa isinagawang entrapment operation sa Cabatuan-Cauayan City bypass Road ay nagkakahalaga ng 240,000 pesos.
Narekober din ng mga otoridad ang ginamit na buy-bust money, isang van at isang motorsiklo na ginamit ng mga suspek na na nasa kustodiya na ng CIDG Santiago City Field Unit para sa disposisyon at dokumentasyon para sa kasong isasampa laban sa kanila.
Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay ipinasakamay sa BIR Region 3.