CAUAYAN CITY- Nakiisa ang nasa 244 na pensioners ng Social Security System (SSS) sa lalawigan ng Isabela sa Pensioner’s day na inorganisa ng SSS Luzon North 2 Division.
Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika 67 ng anibersaryo ng naturang ahensiya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay North Luzon 2 Vice President Porfirio Balatico, sinabi niya na naging highlight ng programa ang SSS loan program na humihikayat sa mga pensyonado na mag apply ng loan.
10% lamang aniya ang interest nito sa loob ng isang taon, mas mababa kung ikukumpara sa ibang kumpanya na nangunguha pa ng ATM card para lamang makapag loan.
Maaari namang mag-apply ang mga nasa edad walumpo pababa at dapat ATM card na ang kanilang gamit sa pagtanggap ng kanilang pensyon.
Sa buong Pilipinas ay ang SSS North Luzon lamang umano ang 100% na nakapag approve ng loan sa online at matatanggap naman ng mga pensyonado ang kanilang loan sa loob ng tatlong araw.
Wala dapat aniyang ikabahala ang mga pensiyoner o member dahil 630 pesos lamang ang mababawas sa loan na magsisilbi namang insurance dahil kung masawi man ang nag loan ay wala na itong utang sa SSS.







