--Ads--

CAUAYAN CITY– Bumaba ng 25% ang mga insidente ng krimen ngayong taon sa Ilagan City.

Noong Enero hanggang Agosto, 2017 ay naitala ang 288 na krimen habang sa katulad na panahon ngayong taon ay 214 ang mga naganap kaya bumaba ng 25.69%.

Pinakamaraming bilang ng mga insidente ay mga aksidente sa daan na nagbunga ng pagkamatay ng mga sangkot at pinsala ng mga ari-arian.
Sa 8 focused crime ay nangunguna ang physical injury na bunga ng mga kaguluhan sa mga barangay na sinusundan ng pagnanakaw, homicide, murder at robbery.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Supt. Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station na bukod sa maganda na ang mga daan ay madali nang magkaroon ng motorsiklo ang mga mamamayan.
Marami ring menor de edad na walang driver’s license ang nagmamaneho ng motorsiklo sa mga pangunahing lansangan.
Ang isa pang dahilan ay ang pagmamaneho ng mga nasa impluwensiya ng alak.
Ang nakikitang solusyon ni Supt. Pagalilauan na kanyang tinalakay sa ginanap na city eace and order council meeting ay ang pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay sa mga lumalabag sa mga batas sa trapiko.

--Ads--

Nais ni Supt. Pagalilauan na bumuo ng grupo ang bawat barangay at maglalagi sila sa mga barangay outpost para makita nila ang mga may paglabag.

Iminungkahi rin niya na masusugan ang ilang ordinansa para mahigpit na maipatupad.