CAUAYAN CITY- Dalawampu’t limang barangay ang nabenipisyuhan ng programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na Building on Social Protection for Anticipatory Action and Response in Emergencies and Disaster o (B-SPARED) na ginanap sa bayan ng Echague, Isabela.
Sa kabuuan ay nasa 964 na magsasaka ang tumatanggap ng tulong sa ilalim ng Programa kasama ang United Nation Food And Agriculture o UNFAO.
Layunin nito na magsagawa ng mga hakbang upang maagapan ang mga kalamidad tulad ng tagtuyot o El Niño na may malaking pinsala para sa mga magsasaka.
Nagsimula ang programa noong Enero kung saan nabigyan ng tulong pinansiyal at supplemental irrigation ang mga apektadong magsasaka habang tumanggap ng multipurpose cash ang mga mahihirap.
Inihayag ng food and Agriculture na hangad nilang tulungan ang mga Pilipinong nangangailangan kung saan ibinase nila ang programa sa RSBSA program ng Kagawaran ng Pagsasaka.