--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit 2,000 board feet ng mga nilagareng kahoy sa Dibuluan, San Mariano, Isabela.

Sa pinagsanib na puwersa ng Provincial Task Force,  Department of Environment and Natural Resources (DENR) at 201st Maneuver Company ay nasabat ang 2,500 board feet ng iba’t ibang common hardwood at narra flitches sa nasabing lugar.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Provincial Task Force ang mga nakumpiskang kahoy para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Magugunita na noon lamang nakaraang linggo ay naaresto ang apat na tao na mula rin sa bayan ng San Mariano dahil sa pagbiyahe ng mga iligal na pinutol na kahoy.

--Ads--

Patunay lamang umano ito na patuloy ang illegal logging activity ng ilang mamamayan.

Kaugnay nito ay una na ring inihayag ni Vice Governor Bojie Dy  na bubuo ng forest ranger ang pamahalaang Panlalawigan para maprotektahan ang kalikasan mula sa mga mapang-abusong mamamayan.