--Ads--

CAUAYAN CITY – Mayroon nang 63  employers na nagrehistro para sumali sa job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) region 2 bilang bahagi ng pagdiriwang bukas ng Labor Day.

Ang job fair ay isasagawa sa Robinson’s Place sa Lunsod ng Santiago mula alas 7:00am hanggang 5:00pm.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Chester Trinidad, Information Officer ng DOLE region 2 na may 2,528 na alok na lokal na trabaho sa bansa at overseas employment.

Sa nasabing bilang ay 1,904 ang mga lokal na trabaho habang 624 ang trabaho sa ibang bansa.

--Ads--

Marami nang  job-seekers ang nagrehistro online na umabot sa 864 ngunit maliit ang bilang kumpara sa available na trabaho.

Ayon kay GinoongTrinidad, kung hindi makarehistro online ay puwedeng walk-in o magtungo bukas ang  mga naghahanap ng trabaho  sa nabanggit na  mall  sa Lunsod ng Santiago.

Maliban sa face-to-face at online job fair ay isasagawa rin ang Labor Education seminar para malaman ng mga participant ang kanilang mga karapatan at responsibilidad sa trabaho.

Mayroon ding employment coaching para malaman  ang mga dapat gawin bago pumasok sa trabaho.

Mayroon nang sampu na  hired on the spot dahil nakita ng mga employer na kuwalipikado sila sa trabaho.

Kabilang sa mga alok ang trabaho sa fast food, bangko, manufacturing, trading, overseas at marami pang iba.

Marami ring posisyon ang puwedeng aplayan ng mga bagong nagtapos sa kolehiyo na hindi kailangan ang karanasan.