Dalawampu’t anim na mga bayan ang natukoy bilang areas of concern para sa National Local Election 2025.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin ang tagapagsalita ng Police Regional Office o PRO 2 sinabi niya na ginanap ang presentation of deposited firearms kasabay ng Initial Convening ng RJSCC kasama ang mga katuwang na ahensya na pinangungunahan ng COMELEC, PNP at AFP.
Aniya batay sa kanilang datos may mga naitala nang areas of concern sa Region 2 sa eleksyon sa susunod na taon.
May siyam na Bayan ang nasa ilalim ng Yellow Category kabilang ang Aparri, Piat, Enrile, Tuguegarao, San Mateo, Benito Soliven, San Isidro, Burgos at Mallig, labing lima sa Orange Category kabilang ang Alcala, Baggao, Buguey, Gattaran, Gonzaga, Lasam Penablanca, Rizal, Sta. Teresita, Sto. Nino, Tuao, Ilagan, San Guillermo, San Mariano, at San Pablo, habang dalawa ang nasa ilalim ng Red Category partikular ang Jones at Maconacon, Isabela.
Kasabay ng paglalabas ng listahan ay ipinag utos ng pagpapaigting ng Police Visibility at intensified checkpoints at simultaneous exercises.
Magkakaroon na rin ng lectures sa mga election concerns sa pangunguna ng Lupon ng Halalan o Comelec.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PRO 2 na bagamat paparating ang kapaskuhan ay hindi ito makakaapekto sa ginagawa nilang paghahanda para sa nalalapit na eleksyon sa susunod na taon.