Umabot na sa dalawampu’t anim na boga o improvised boga ang nakumpiska mula sa pitong purok sa Barangay Tagaran.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Daniel Acob ng Brgy. Tagaran, Cauayan, sinabi niya na mual December 22 ay sinimulan na nila ang monitoring at araw araw ay nakakakumpiska sila ng boga na ginagamit ng mga bata sa kanilang Barangay.
Puspusan ang pag iikot nila bawat purok lalo na tuwing gabi kaya naman mahigpit ang paalala nila sa mga magulang na ipinagbabawal ang paggmit nito dahil sa maaari itong makapinsala sa kanil.
Paalala nila ngayon sa mga kabataan na hanggat maaari ay iawasan na ang paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok gaya ng boga dahil sa napakahirap na salubungin ang bagong taon ng hindi kumpleto ang kamay o kaya naman may pinsala sa katawan.
Nagbabala din sila sa mga magulang na kung mahuhulihan ng boga ang anak ay sila ang pananagutin ng Barangay.