--Ads--

CAUAYAN CITY– Umaabot na sa 261 lotto outlets ang naipasara ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa rehiyon dos batay sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinakamarami ang naipasarang lotto outlets sa Cagayan na mayroong 96, sa Isabela ay mayroong 87, sa Nueva Vizcaya ay 49, labing dalawa sa Quirino at 7 sa Lunsod ng Santiago.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/ Lt. Col. Chivalier Iringan,spokesman ng Police Regional Office 2 na dahil sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapasara ng mga lotto outlets ay iniutos ng kanilang national headquarters sa mga panrehiyong tanggapan ang agarang pagpapatupad nito.

Tinig ni PLt. Col. Chivalier Iringan ng PRO2

Sinabi pa ni Police Lt. Col. Iringan na sa ngayon ay patuloy ang kanilang monitoring sa mga Lotto Outlets maging ng Keno, peryahan ng bayan at small town lottery sa buong rehiyon dos upang tuluyan nang maipasara batay na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

--Ads--