CAUAYAN CITY- Nasa 27 barangay ang idineklarang drug free barangay at dalawang barangay naman ang idinkelarang drug cleared barangay sa lalawigan ng Quirino.
Ang mga barangay na idineklarang drug free barangay ay ilang barangay sa mga bayan ng Diffun, Maddela at Nagtipunan habang sa bayan ng Saguday ay dalawang barangay ang idineklarang drug cleared.
Idineklara ang 27 barangay na drug free makaraang mapatunayang walang sangkot sa illegal na droga sa mga nasabing barangay habang dalawang barangay ng Saguday ang idineklarang drug cleared makaraang tuluyan nang nagbagong buhay ang mga sangkot sa illegal na droga.
Ang Bayan ng Saguday ang kauna unahang may naideklarang drug free barangay sa buong Quirino.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni P/Senior Inspector Dominic Rosario, hepe ng Saguday Police Station na sa 9 na barangay ng Saguday ay idineklarang drug cleared ang 2 barangay.
Humigit kumulang anyang 10 katao ang nasangkot sa illegal na droga sa nasabing bayan na kanilang isinailalim sa community based rehabilitation program.




