--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtapos na ang 27 Police Personnel ng Cauayan City Police Station sa Special Weapon and Tactics training.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.Col. Ernesto Nebalasca Jr., hepe ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na malaking bagay ang karagdagang pwersa ng mga special trained Police Personnel na magiging bahagi ng Cauayan City Police Station.

Aniya, sa ngayon ay limitado pa lamang ang bilang ng SWAT personnel dahil magastos ito hindi lamang ang training kundi maging ang mga armas ng mga SWAT personnel.

Sa ngayon ay abala ang Cauayan City Police Station sa pagsiguro sa kapayapaan at kaayusan sa Lunsod at makakatuwang nila ang mga bagong SWAT personnel na magsisilbing Quick Reaction team.

--Ads--