--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakarekober ang mga kasapi ng Echague Police Station ng halos 300 board feet ng nilagaring kahoy sa Diasan, Echague, Isabela.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa Echague Police Station, aabot sa 16 na tablon ng nilagaring narra ang kanilang narekober sa naturang lugar at aabot sa 273 board feet.

Una rito ay may tumawag sa kanilang concerned citizen tungkol sa mga inabandonang nilagaring kahoy sa isang bakanteng lote sa naturang barangay na agad din nilang tinugunan.

Sa ngayon ay nasa pag-iingat na ng himpilan ng pulisya ang mga naturang kahoy.

--Ads--