--Ads--

CAUAYAN CITY- Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang Construction worker na nagmaneho ng motorsiklo na may kaangkas na dalawa na bumangga sa isang kotse sa Gamu, Isabela.

Ang aksidente ay kinasasangkutan ng Toyota Innova na minamaneho ni Barangay Kagawad Jimuel Cayaba, animnapong taong gulang, may-asawa at residente ng Malalam, Ilagan City.

Ang motorsiklong walang plaka ay minamaneho ni Charles John Lumabi, 21 anyos, construction worker at residente ng Santa Rosa, Gamu, Isabela.

Habang ang dalawang backrider na parehong nasugatan ay sina Jona Taliano, isang janitress ng Naguillian, Isabela at Kristel Edrada, 21 anyos, isa ring janitress at residente ng Gayong-Gayong Ilagan City

--Ads--

Si Lumabi ay walang dalang drivers license at walang Original Certificate of Registration at original Official Receipt of payment .

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya ang ang motorsiklo ay bumabagtas sa pambansang lansangan nang aksidenteng nabangga ang papalikong kotse na minamaneho Cayaba.

Nagresulta ito ng pagkakatamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga sakay ng motorsiklo.

Dinala sa pagamutan ng DART rescue 831 ang tatlong sakay ng motorsiklo ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas si Lumabi.

Si Cayaba ay dinala rin sa pagamutan para sa kaukulang medical treatment makaraang magkaroon ng hypertension dahil sa nasabing aksidente.