--Ads--

CAUAYAN CITY – Mainit na sinalubong ng mga opisyal sa Isabela ang 28 na kandidata ng Miss Earth 2018 sa kanilang pagdating kaninang alas nuebe ng umaga sa Cauayan City Airport.

Pinangunahan ni Vice Governor Antonio Albano ang pagsalubong sa airportĀ  sa mga kandidata na unang dinala sa Cauayan City hall bago sila nagtungo sa Hacienda sa San Luis para sa kanilang tree planting activity.

Pagkatapos nito ay nagtungo ang mga kandidata sa Provincial Capitol at nag-courtesy call kay Gov. Faustino “Bogie” Dy III.

Magtutungo rin sila sa iba pang magagandang lugar sa Isabela bago ang kanilang resorts wear and talent competition sa Sabado, Oktubre 27, 2018 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mengal Festival sa Echague, Isabela.

--Ads--

Samantala, sinabi ni P/Supt Virgilio Abellera na bumuo sila ng Incident Management Team na magbibigay ng mahigpit na seguridad sa mga kandidata at sa bawat lugar na kanilang pupuntahan sa Isabela.

Ayon kay P/Supt. Abellera, nagkaroon ng kaunting adjustment sa kanilang security plan na tinalakay sa command conference kahapon dahil sa ilang pagbabago sa mga aktibidad at itinerary ng mga kandidata ng Miss Earth 2018.