--Ads--

Tinatayang 28% ng mga job seekers ang hired on the spot sa ikinasang job fair ng Public Employment Service Office o PESO Isabela bilang bahagi ng Bambanti Festival 2026.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cecilia Claire Reyes ang PESO Manager ng PESO Isabela, sinabi niya na 359 na job seekers ang dumating para sa mga lokal na kumpaniya at 101 sa kanila ang hired on the spot habang nasa 300 na applicants naman ang nakiisa para sa overseas workers.

Sa kabuuan nasa 1,196 na mga trabaho mula sa iba’t ibang kumpaniya ang binuksan na mula pa sa iba’t ibang lugar sa Lalawigan.

Ikinatuwa naman ng mga job seekers ang one stop shop kung saan nakakuha sila ng iba’t ibang serbisyo mula sa SSS, PAG-IBIG, Philhealth, NBI at PN.

--Ads--