
CAUAYAN CITY – Ipinagkaloob ng 95th Infanty Battalion Philippine Army ang kapakinabangan ng 29 na sumukong rebelde sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt Col Gladius Calilan, commanding officer ng 95t IB, sinabi niya na 10 dating regular member ng New People’s Army (NPA) at 19 na dating miyembro ng Militia ng Bayan na sumuko noong 2019 at Enero 2020 ang nakatanggap ng kapakinabangan.
Umabot sa 1 million ang naibigay na benepisyo sa mga rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Ang aktibidad na isinagawa sa San Mariano, isabela ay dinaluhan ni Governor Rodito Albano.
Nakatanggap ng Php 65,000 ang bawat regular na kasapi ng NPA habang Php 15,000 ang mga dating kasapi ng Militia ng Bayan.
Nabigyan din ng food pack ang mga dating rebelde.
Ayon kay Lt Col Calilan, binigyan din ng Social Security System (SSS) at Pag-ibig form ang mga dating NPA at ang pamahalaang panlalawigan ang sasagot sa kanilang buwanang kontribusyon.
Nasa 40 pang former rebel ang kasalukuyang pinoroseso ang matatanggap na benepisyo sa ilalim ng E-Clip ng pamahalaan.










