--Ads--

CAUAYAN CITY- Kinumpirma na ni P/Chief Inspector Ruben Martinez, hepe ng Echague Police Station na tatlong anggulo ang kanilang tinitignan kaugnay sa pamamaril at pagpatay kay dating barangay kagawad Arsenio Fernandez sa Brgy. Villa Fermin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Chief Insp. Martinez na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na 3 ang lumabas na motibo sa pagpatay sa nasabing biktima.

Hindi lamang ang pagkakasangkot ng biktima sa illegal na droga ang sinisiyasat ng pulisya kundi maging ang awayan sa lupa at ang pangatlong anggulong sinisiyasat ay love triangle.

Sa ngayon ay nanangawagan si Chief Insp. Martinez sa mga tao na nakakita sa krimen na dumulog lamang sa himipilan ng pulisya upang higit na malaman pa kung ano ang mas mabigat na motibo sa pagpaslang sa biktima.

--Ads--