--Ads--

CAUAYAN CITY– Bangkay na ng matagpuan ang 3 anyos na bata matapos aksidenteng malunod sa irigasyong nasasakupan ng barangay Maligaya, Echague, Isabela

Ang biktima ay si Princess Ziona Tomas, 3 anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Zenaida Tomas, sinabi niya na galing sila sa Nagbukel, San Isidro,Isabela upang kunin ang padala ng ina ng apo subalit nang sila ay umuwi ay hindi nito namalayan na nagtungo ang bata sa gilid ng irrigation canal upang hugasan ang sapatos nito.

Aniya nagtungo lamang siya upang hatiin ang tsokolate na ipapakain sana sa kanyang apo subalit labis umano niyang ikinabahala na hindi niya ito mahagilap.

--Ads--
Tinig ni Gng. Zenaida Tomas

Dahil sa pangyayari agad umanong humingi ng tulong sa PNP Echague ang nasabing lola upang hanapin ang kanyang apo subalit natagpuan ang bangkay nito sa irigasyong bahagi ng Barangay Buneg,Echague,Isabela.