--Ads--

CAUAYAN CITY – Lumabas sa awtopsiya na hindi naabusong sekswal ang isang tatlong taong gulang na bata na sadyang pinatay at natagpuan ang bangkay sa irrigation canal sa Rizal, Lunsod ng Santiago.

Ang bangkay ng bata ay natagpuang sa irigasyon noong ikalabing-anim ng Oktubre 2018.

Umamin ang huling nakitang kasama ng bata na si Roland Domingo nang madakip sa Sagana, Lunsod ng Santiago ang pagpatay sa bata at itinuro ang ama ng biktima na si Ronald Braga na nagbayad sa kanya ng sampung libong piso para patayin ang anak.

Ang paratang ni Domingo ay mariin namang itinanggi ni Braga.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Chief Inspector Rolando Gatan, commander ng station 1 na wala silang nakalap na ebidensiya para idiin si Braga sa pagpatay sa kanyang anak tulad ng paratang ni Domingo.

Lumabas sa kanilang pagtatanong sa mga kapitbahay na mabait naman umano siyang ama bagamat may pagka-isip bata sa kanyang edad na dalawamput pito.

Ayon kay Chief Inspector Gatan, napatay sa pamamagitan ng pagsakal ang bata at hindi nagahasa tulad ng naunang hinala dahil walang damit nang matagpuan sa irigasyon ang biktima.

Nakakuha sila ng mga impormasyon na dating gumagamit ng ipinagbawal na gamot ang suspek na hindi nakitaan ng anumang pagsisisi sa ginawang krimen.