--Ads--
CAUAYAN CITY – Natakbuhan ng tatlong babaeng naaktuhang nagsusugal ang mga pulis na nagsagawa ng anti-illegal gambling operations sa Mallig, Isabela
Nakilala ng mga pulis ang dalawang babae habang ang isa ay patuloy pa ring inaalam.
Ang dalawa ay nasa tamang edad at residente ng Siempre Viva Sur Mallig, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagtakbuhan ang mga naglalaro ng majong nang makitang may mga paparating na pulis.
--Ads--
Nasamsam na lamang ng mga pulis ay ang ilang gambling paraphernalia tulad ng majong tiles, mesa at bet money.
Ang dalawang nakilalang mga kababaihan ay sinampahan ng paglabag sa presidential decree 1602 ( Anti- Illegal Gambling law).




