
CAUAYAN CITY – Mayroon nang tatlong campuses ang Isabela State University (ISU) na inilaan para maging quarantine sites na kinabibilangan ng ISU Cauayan Campus, ISU Echague Campus at ISU Roxas Campus.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Ricmar Aquino, Pangulo ng Isabela State University System na sa ngayon ay kasalukuyan nang ginagamit ang mga quarantine facilities na ito ng mga dumarating sa lalawigan ng Isabela tulad ng mga OFWs at mga nagbabalik sa lalawigan.
Sinabi ni Dr. Aquino na hihintayin pa nila ang request ng iba pang mga local government units dahil mayroon pa silang Campuses sa lunsod ng Ilagan, San Mariano, Cabagan, Angadanan at Jones na hindi pa nagagamit.
Sa ngayon aniya ay nasusunod at ipinapatupad naman ng provincial government at LGUs ang mga panuntunan upang matiyak ang kaligtasan ng mga nasa quarantine areas at ang mga kawani ng campuses na tumutulong sa quarantine areas.










