--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala sa bayan ng Bontoc ang isang grassfire at ekta-ektaryang taniman ang napinsala.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO1 Clifford Chinalpan, Acting Municipal Chief of Operation at Deputy Municipal Fire Marshall ng Bontoc Fire Station, sinabi niya na aabot sa mahigit tatlong ektarya ang lawak ng grassfire.

Base sa kanilang imbestigasyon nagsimula ang sunog sa gilid ng isang bukirin sa Sitio Tangyad, Barangay Bontoc Ili at kumalat sa bundok.

Nagtulung-tulong naman ang Bontoc MDRRM, Bontoc LGU, DENR at Sadanga Fire Station sa pag-apula sa grassfire hanggang sa maideklarang fireout.

--Ads--

Wala naman aniyang nasaktan sa pangyayari bagamat nasunog ang ilang hose at mga puno ng saging.

Pinaalalahanan naman niya ang publiko dahil sa mga susunod na buwan ay inaasahan na ang kakulangan ng pag-ulan at mainit na panahon kung saan maaring makapagtala ng mga sunog sa mga nililinis na bukirin.

Pinaalalahanan din niya ang mga nagt- trekking sa mga kabundukan na huwag iwanan ang mga pinaglutuan na maaring pagmulan ng sunog.