CAUAYAN CITY– Inaresto ang tatlong estudyante na naaktuhang nagsasagawa ng isang pot session sa San Pedro, Tumauini, Isabela.
.
Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap ng tawag ang Tumauini Police Station kaugnay sa nagaganap na pot session sa isang bahay sa naturang lugar.
Sa pangunguna ni Police Major Eugenio Mallillin, acting chief of police kasama ang mga intel operatives at ang Provincial intelligence branch-drug enforecement unit ay nagtungo sa nasabing lugar at naaktuhan ang paggsmit ng droga ng tatlong mag-aaral.
Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang tatlong unit ng cellphone, cash, drug paraphernalia, limang transparent plastic sachets at tatlong piraso ng papel na naglalaman ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana.
Dinala sa tanggapan ng Tumauini Police Station ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.











