--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ang tatlong Grade-11 Student na taga-lunsod ng Santiago matapos magnakaw sa isang malaking mall sa Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo sa Women and Children Protection Desk ng Cauayan City Police Station, ang mga nahuli ay itinago sa pangalang Mary, 15 anyos; Jena at Laila na kapwa 16 anyos.

Sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, nahagip ng kuha ng CCTV Camera na ang tatlong menor de edad na itinatago ang ibat ibang uri ng cosmetic products at mga damit sa kanilang bag.

Napansin ng guwardiya ang tatlong mag-aaral at sila’y sinita.

--Ads--

Nakita ang mga ninakaw na items na nagkakahalaga ng mahigit P/5,000.00.

Agad dinala ang mga mag-aaral sa himpilan ng pulisya para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.