--Ads--

Sugatan ang tatlong estudyante matapos na mahulog sa overflow bridge ang  sinasakyan nilang SUV sa Barangay Fugu, Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Alex Alivania ang Deputy chief of Police ng Echague Police Station, sinabi niya na 2:50 ng hapon ng masangkot sa aksidente ng SUV na minamaneho ni alyas Hinsen, isang estudyante na residente ng purok 7, Bonifacio, Diffun, Quirino.

Lulan sina Christine, estudyante mula Alicia, Isabela at Jeslyn na estudyante mula naman sa San Guillermo, Isabela.

Batay sa kanilang pagsisiyasat galing sa Camarag San Isidro, Isabela ang mga biktima at papunta sana sa Echague Isabela.

--Ads--

Nang makarating sa tulay sa Barangay Fugu ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang driver sanhi para tumama ang SUV riff raff wall ng tulay sanhi para mawalan ng balanse at mahulog

Kapwa nagtamo ng sugat ang driver at dalawang sakay nito na agad namang nailabas sa sasakyan ng mga rumespondeng rescue team sa tulong na rin ng ilang residente sa lugar.

Wala namang nakita sa CCTV footage na kasalubong ng sasakyan at malinaw na nagsarili itong naaksidente.

Dahil pababa ay posibleng bahagyang bumilis ang takbo ng sasakyan at pagsapit sa tulay ay tumama ito sa riff raff wall at nahulog.

Dinala sa pagamutan sa Lungsod ng Santiago ang mga biktima para malapatan ng lunas.

Sa ngayon ay inaalam na ng Pulisya ang dahilan kung bakit  nagtungo sa San Isidro Isabela ang mag biktimang naaksidente.