--Ads--

CAUAYAN CITY- Labis na ikinagulat ng delegasyon ng Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) ang pagkakaroon ng cobra sa ilalim ng higaan sa kanilang billeting quarters.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Mr. Ferdinand Narciso, tagapagsalita ng Department of Education (DepEd) region 2 na ang cobra ay tinatayang nasa 3 feet ang haba.
Hinala ni Mr. Narciso na napadpad ang cobra sa kanilang billeting quarters bunsod ng naganap na pagbaha noong isang gabi dahil sa malakas na ulan.
Wala aniyang natulog sa nasabing higaan dahil lumikas sila bunsod ng pagbaha sa kanilang billeting quarters.
--Ads--
Naging maagap naman ang mga nagbibigay ng seguridad sa paghuli ng cobra makaraang iparating sa kanila ang nakitang ahas.










