--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong matataas na kalibre ng baril ang nasamsam sa isinagawang entrapment operation sa parking area at 4-lanes, Brgy. Malvar, Santiago City, isang araw bago ang pagpapatupad ng election gun ban bukas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Rolando Gatan, Station Commander ng Station 2 na nadakip ang mga suspek na sina Mario Ta-a, 48 anyos, may-asawa, negosyante, residente ng San Ignacio, San Mateo, Isabela, Eddie Bose, 50 anyos, may-asawa, residente ng Badas, San Juan, Abra at isang 13 anyos na Grade-8 student.

Ang magkasanib na puwersa ng Santiago City Police Office (SCPO) Station 2 ng SCPO at CIDG Santiago City ay nagsagawa ng buy bust operation sa paglabag sa Republic Act 10951 ( Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act )

Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang tatlong units ng High Powered Cal 5.56 baby Armalite rifle, mga magazines ng M14 at M16, assorted live ammo at ang van na ginamit sa pagdadala ng mga nasabing baril.

--Ads--

Kasalukuyan nang sumasailalim sa pagsisiyasat ng pulisya at CIDG ang nadakip na dalawang suspek habang ang menor de edad ay ipapasakamay sa DSWD makaraang nakisakay lamang sa mga pinaghihinalaan.