--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahuli ng mga otoridad ang tatlong high ranking officials ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Manag, Conner, Apayao noong October 8, 2024.

Nagsagawa ng operasyon ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Army matapos makatanggap ng impormasyon ang 503rd Infantry Brigade mula sa isang concerned citizen patungkol sa presensya ng mga armadong NPA sa lugar.

Habang nagsasagawa ng patrolling ang mga otoridad ay nasabat ang tatlong indibidwal na  nakumpirmang mga matataas na opisyal ng Regional Guerilla Unit/Regional Operations Command (RGU/ROC) ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC), isang notorious na NPA faction na nag-ooperate sa Northern Luzon.

Kinilala ang mga nahuli na sina Alias Sam, Commanding Officer ng Regional Sentro De Grabidad (RSDG) ng ICRC; Alias Tanya, Political Instructor; Alias Annie, Organizer at head of education ng Guerilla Front, KLG Baggas.

--Ads--

Nakumpiska naman sa kanilang pag-iingat ang dalawang M16A1 rifles na may mga bala, hand grenades, explosives, at mga personal nilang kagamitan.

Sila ay nasa kustodiya na ng mga otoridad para sa malalimang imbestigasyon at karampatang disposisyon.